Sinopla ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon ang panawagang muli para sa mass testing.
Ito ay sa gitna na rin ng pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, partikular sa NCR Plus Bubble.
Ani Dizon, hindi inirerekomendang i-test ang buong populasyon ng Pilipinas.
Iginiit nito na dapat sundin ng gobyerno ang rekomendasyon ng mga medical experts na magsawa ng targeted testing o i-test lamang ang mga indibiduwal na may sintomas, mga nagkaroon ng close contact sa COVID-19 patient, o mga tao na mula sa lugar na may mataas na kaso ng virus, kaysa i-test ang nasa 10-milyong mga Pinoy.
Magugunitang noong nakaraang linggo inanunsyo ni Dizon ang plano ng gobyerno na gawing 80,000 hanggang 90,000 ang target na test kada araw sa Metro Manila at kalapit lalawigan na nakararanas ng pagsirit sa COVID-19 cases.