Umarangkada na ang mass testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Parañaque City.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivares, lumakas ang kanilang kapabilidad na makapag-mass testing matapos silang pumasok sa Memorandum of Agreement sa Philippine National Red Cross.
Mayroon rin aniya silang MOA sa Department of Education (DepEd) para sa paggamit ng kanilang national highschools bilang quarantine facility.
Inilaan na rin anya nila ang Parañaque Hospital sa second congressional district para lamang sa mga pasyente ng COVID-19.
Kapag lumakas ang ating testing ngayon dahil mabilis lalabas ang resulta natin yung ating contact tracing madali na nating mapapa-implement natin kasi malalaman natin doon sa community, sa barangay kung sino yung positive at kung sino yung mga nakasama niya doon sa community na yun ay mahihiwalay na natin ay maku-quarantine natin para hindi na sila makahawa, ito ang main purpose kung bakit tayo nagma-mass testing,” ani Olivarez. — mula sa panayam ng Ratsada Balita.