Isinusulong ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na gawing prayoridad sa mass testing para sa COVID-19 ang mga empleyado.
Ito anila ay para mas marami nang makabalik na empleyado sa kani-kanilang trabaho.
Ayon kay Sergio Ortis-Luis, presidente ng ECOP, marami pa rin kasing kumpanya ang nagdadalawang isip na magbukas dahil sa takot sa banta ng COVID-19.
Ani Luis, mass testing ang makapagbibigay ng kapanatagan sa mga kumpanya maging sa mga empleyado para unti-unting makabalik sa normal ang kabuhayan ng mga empleyado at ang takbo ng operasyon ng maraming negosyo sa bansa.