Patuloy pa rin ang isinasagawang mass testing sa lahat ng railway personnel.
Ito’y batay sa naitalang datos noong ika-5 ng Abril, nasa 1,100 na tauhan ng LRT 1, 281 ang napasuri kung saan 94 ang nagpositibo rito.
Habang sa 1,696 na LRT 2 personnel, 592 ang isinailalim sa swab test at 143 ang positibo sa mga ito.
Sa hanay ng MRT 3 na 709 na tauhan ang sumailalim sa pagsusuri kung saan 120 ang COVID-19 positive.
Habang 586 ang nasuri at 121 ang nagpositibo sa 1,400 na tauhan ng PNR.
Dahil dito, sampu hanggang 12 tren lamang ang maaaring tumakbo sa MRT 3, lima sa LRT 2 at 17 naman sa LRT 1.
Samantala, balik-operasyon na ang PNR sa Biyernes, ika-9 ng Abril.— sa panulat ni Rashid Locsin