Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sagabal sa pag-unlad ng bansa ang malalang traffic, partikular na sa Metro Manila.
Dahil dito, ginawang prayoridad ng administrasyon ang mass transit projects.
Ilan sa mass transit projects ay malapit nang makumpleto.
Batay sa datos, 61% nang tapos ang North-South Commuter Railway project mula Tutuban, Manila hanggang Malolos, Bulacan; samantalang ang extension project naman mula sa Malolos hanggang Clark, Pampanga ay 56.5% nang kumpleto.
Bukod pa rito, 80% nang tapos ang Light Rail Transit Line 1 Cavite extension, samantalang patuloy ang progreso ng ilan pang proyekto.
Ayon kay Pangulong Marcos, lahat ng klase ng tao ay sumasakay sa tren dahil ito ang pinakamabilis na transportasyon. Sa pagpapalawak at pagpapahusay sa mass transportation system ng bansa, gagaan na ang biyahe ng mga Pilipino, mas bibilis pa ang pag-unlad ng Pilipinas.