Magsisimula na sa Lunes,14 ng Oktubre, ang isasagawang mass vaccination ng Department of Health (DOH) laban sa polio.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, kasama sa mass vaccination ang monovalent vaccines para sa type 2 polio virus.
Galing aniya sa World Health Organization (WHO) headquarters sa Switzerland ang naturang bakuna.
Target ng ahensya na mabakunahan ang mga bata edad 5 pababa sa Metro Manila, Laguna, Marawi city, Lanao del Sur, Davao City at Davao del Sur.
Tatakbo ang door to door supplemental vaccination hanggang sa ika-27 ng Oktubre, Linggo.