Sapilitan na ang gagawing pagquarantine sa mga hinihinalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients kung sobra-sobra pa rin ang pataas ng COVID-19 cases sa huling dalawang linggo ng enhanced community quarantine.
Ayon ito kay Retired General Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Action Plan Against COVID-19.
Inihayag ito ni Galvez kasabay ng puspusan nang paghahanda sa PICC, Rizal Memorial Coliseum at World Trade Center bilang quarantine centers.
Sinabi ni Galvez na hindi epektibo ang quarantine sa mga mahihirap na pamilya dahil walang espasyo sa kanilang tahanan para maihiwalay ng lubusan ang isang person under investigation o monitoring.
Gayunman, posible anyang case-to-case basis ang gagawin nilang massive forced quarantine at huwag nang isama ang mga nasa middle class na may mga espasyo naman sa kanilang tahanan.