Ipinasusumite na ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa local government units (LGUs) ang master list para sa priority group A4.
Ito’y dahil sa inaasahang darating sa mga susunod na buwan ang 20-milyong doses ng bakuna mula sa Sputnik V na gawa ng Russian company na Gamaleya.
Kabilang aniya sa A4 group ay ang mga sektor sa industriya ng transportasyon, market, manufacturing, government services, hotels , education, media at iba pa.
Sinabi ni Nograles na nakabase sa master list ang alokasyon ng bakuna na ibibigay sa kanila ng bawat LGUs.
Buko dito, binigyang diin ni Nograles na naging malaking tulong ang mga nasa Asian countries sa pagbibigay ng suplay ng bakuna sa kabila ng nangyayaring hoarding ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.
Samantala, kabilang sa inaasahang suplay ng bakuna ay mula sa China, India at Russia. —sa panulat ni Rashid Locsin