Hawak na ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang master list ng mga miyembro ng Uber at Grab.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Spokesperson at Board Member ng LTFRB, 68,000 ang nabigyan ng accreditation ng Uber samantalang mahigit sa 50,000 ang sa Grab.
Samantala, batay aniya sa datos ng LTFRB, halos 4,000 lamang ang nabigyan nila ng prangkisa.
Binigyang diin ni Lizada na isa lamang ito sa mga dahilan kung bakit kailangang maging mahigpit ngayon sa pagpapatupad ng batas ang LTFRB.
“We understand that the loud noise coming from social media is from the riders but what about those po na hine-hearing din namin na hindi nakakasalita sa social media? and they are side-swept there, legs are broken and have a lot of injuries just because an Uber car beat the red light, hit a motorist on board a motorcycle, sino po ang tatakbuhan nila? Hindi naman po pupunta yan sa Uber kasi walang accountability ang Uber, pupunta sa driver yan na gusto sanang sumibat, ito po yung pinaglalaban ng LTFRB, no matter where you are, whether you’re Class A, B, C, D , we want to set in policies na patas sa lahat.” Pahayag ni Lizada
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas Interview