Aprubado na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang master plan para maresolba ang namumuong krisis sa tubig.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang master plan para sa tubig ay nakapaloob sa isang executive order na nakatakdang lagdaan ng Pangulo.
Nakapaloob sa binubuong EO ang nauna nang kautusan ng Pangulo na i-review ang concession agreements sa Manila Water at Maynilad Water Services.
Tinutugunan rin sa master plan ang mga problema sa sewerage at sanitation, irigasyon, pagbaha, watershed management, pondo at pagbuo ng mga panuntunan.
Sinabi ni Nograles na dumadaan na lamang aniya sa fine tuning ang EO bago lagdaan ng Pangulo.
—-