Natukoy na ng PNP o Philippine National Police ang mastermind sa pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.
Kinilala ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang umano’y utak ng krimen na si Christian Saquilabon.
Si Saquilabon ay isa sa mga kilalang contractor sa Nueva Ecija at nakakuha ng kontrata ng Tourism Convergence Park sa Minalungao, General Tinio sa ilalim ng DPWH o Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Albayalde, natukoy ang mastermind sa pagpatay kay Bote sa pamamagitan ng “extra judicial confession” sa una nang mga naarestong suspek na sina Florencio Suarez at Robert Gumatay.
Bukod kina Suarez at Gumatay kusang loob na sumuko sa PNP ang isa pang suspek na si Arnold Gamboa na nagsilbing drayber umano nang isagawa ang krimen.
Sa ngayon pinaghahanap ng mga pulis ang mastermind na si Saquilabon at tatlong iba pa, isa rito ay kinilalang si Junjun Pajardo nagsisilbing spotter sa krimen.
Hindi naman iniaalis ng pulisya ang posibilidad na may mas mataas o maimpluwensyang tao sa likod ng pagpatay kay Mayor Bote.
(with report from Jaymark Dagala)
Mga naarestong suspek sa pagpatay kay General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote na sina Florencio Suarez at Robert Gumatay, nasa Kampo Crame na | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/4ZQHmpqlXP
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 16, 2018