Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ni Trece Martirez City Assistant City Prosecutor Edilbert Mendoza sa labas ng kanyang bahay.
Sa nakuhang CCTV footage, Biyernes ng Disyembre 31, nag-eehersisyo si Mendoza sa labas ng kanyang bahay sa isang subdibisyon sa barangay Cabuco Trece Martirez City nang lapitan ng isang gunman mula sakaniyang likuran atsaka siya binaril.
Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang biktima sa hindi malamang direksiyon.
Matatandaang kabilang si Mendoza sa maraming abogado at miyembro ng hudikatura na pinatay sa nakalipas na limang taon.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari. —sa panulat ni Angelica Doctolero