Nais isailalim sa masusing pag-aaral ni Senador Sherwin Gatchalian kung dapat pa bang panatilihin ang National Food Authority o NFA.
Ito’y kasunod ng paubos nang reserbang bigas ng NFA.
Ayon kay Gatchalian, Chairman ng Senate Economic Affairs Committee tila mas mabuti pang ipaubaya na lamang sa merkado ang pagtaya sa sapat na lebel ng suplay ng kinakailangang konsumo ng bigas.
Giit pa ng senador, kitang-kita na bigo ang NFA na gawin ang kanilang trabaho na tiyakin ang seguridad sa pagkain partikular ang suplay ng kanilang bigas na may abot-kayang presyo at pinakikinabangan ng maraming Pilipino.
Pangunahing tungkulin aniya ng ahensya na siguruhing supisyente ang suplay ng murang bigas at ito ang dahilan kung bakit binibigyang subsidiya ang NFA gamit ang buwis na mula sa taumbayan kaya’t wala umanong dahilan para maubos ang buffer stock ng NFA rice.
(Ulat ni Cely Bueno)