KAILANGANG masusing bantayan ng gobyerno ang kapasidad ng mga ospital sa panahong ito na mabilis na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa dulot ng Omicron variant.
Ito ayon kay Senator Win Gatchalian ay dahil sa kung hindi na manageable o sobra ng punuan ang mga pagamutan, kailangang agarang kumilos ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagtataas pa sa alert level.
Sa ngayon naman anya kahit nasa critical risk classification ang bansa, manageable pa naman ang kapasidad ng mga ospital.
Ayon kay Gatchalian, mas mabilis ang pagkalat ng Omicron variant kumpara sa pag-detect nito sa pamamagitan ng testing.
Kaya dapat anyang mas bilisan ang testing para agad ma-isolate ang mga nagpopositibo para hindi na sila makapanghawa.