Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang kongreso na masusing talakayin at pagdebatehan ang planong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Ito ay sa harap na rin ng nakatakdang pagpupulong ng kongreso sa nasabing usapin sa Sabado.
Ayon kay Robredo, mahalagang marinig muna ang mga dahilan kung bakit dapat palawigin pa ang martial law.
Tumanggi naman si Robredo na magbigay ng opinyon sa kung ilang araw nararapat palawigin ang batas militar sa Mindanao.
Naunang desisyon ng Korte Suprema sa martial law makakatulong sa pagpapalawig nito
Makatutulong sa agarang pag-apruba sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao ang naunang desisyon ng Korte Suprema ukol dito.
Ito ang inihayag ni Ang Edukasyon Partylist Representative Salvador Belaro Jr., sa harap ng kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na limang buwang martial law extension sa Mindanao.
Ayon kay Belaro, magiging madali na lamang sa Kongreso ang aprubahan ito dahil sa pagkakaroon nito ng factual basis at legalidad ng deklarasyon ng martial law, batay na rin sa desisyon ng Korte Suprema.
Aniya, ang pagtatalunan na lamang dito ay kung ilang araw o buwan dapat palawigin ang martial law.
- Krista De Dios | Story from Jonathan Andal / Jill Resontoc