Muling tiniyak ng gobyerno ang pag-abot sa ligtas, masustansya at abot-kayang presyo ng pagkain sa ilalim ng Marcos administration.
Kasabay na rin ito, ayon sa Office of The Press (OPS) secretary nang pakikiisa ng bansa sa buong mundo sa pagdiriwang n World Food Day sa gitna ng mga hamon sa global food security.
Magugunitang isinulong ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtutok sa food security sa kanyang talumpati sa 77th United Nations General Assembly.
Dahil dito, hinimok ng OPS ang publiko na sama-samang suportahan ang mga magsasaka at mangingisda gayundin ang kalikasan na pinagmumulan ng pagkain.
Ang World Food Day ay ginugunita tuwing October 16 kung kailan din itinatag ang United Nations Food and Agriculture Organization.