Napanatili ng Pangulong Benigno Aquino III ang mataas nitong approval rating.
Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nakuha ng Pangulo ang 54 na porsyento ng approval rating na kapareho sa approval rating nito noong Hunyo.
Pagdating naman sa tiwala ng publiko, isang puntos ang ibinaba ng trust rating ng Pangulo na nasa 49 na porsyento mula sa dating 50 porsyento.
Samantala, patuloy naman ang pagsadsad ng approval at trust rating ni Vice President Jejomar Binay.
Ito ay kung saan lumalabas na mula sa 57 porsyentong trust rating ni Binay noong Hunyo ay bumagsak ito sa 39 na porsyento.
Mula naman sa 58 porsyentong approval rating ni Binay noong Hunyo ay bumagsak naman ito sa 43 porsyento.
Ang naturang survey ay isinagawa mula Setyembre 8 hangang 14 sa may 1,200 respondents.
By Ralph Obina