Target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pataasin pa ang bilang ng mga mababakunahan sa mga probinsya.
Ito’y kasunod ng pamamahagi ng 40 million COVID-19 vaccine doses sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, kailangan maging epektibo ang “vax to vax program”
Layon aniya ng programang ito na pataasin ang kasalukuyang vaccination rate na nasa limandaang libo hanggang animnaraang libo kada araw.
Kailangan umanong maabot ang isa hanggang isa punto limang milyong pagbabakuna kada araw.
Kaugnay nito, nakipag unayan na umano ang ahensya sa mga opisyal mula sa Central Luzon, CALABARZON at iba pang lugar na prayoridad sa nasabing programa.