Kinilala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 90% compliance rate sa general labor standards ng mga pribadong sektor sa bansa.
Ayon kay Alvin Curada, Director ng Bureau of Working Conditions ng DOLE, naitala ang mataas na compliance rate sa 80,915 na mga establisyimento na ininspeksyon ngayong taon.
Nauna nang sinabi ng BWC na mayroong 78.08% compliance rate sa 74,945 na mga establisyimento, na inspeksyon noong Oktubre 31.
Gayunpaman, ang compliance rate ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon na tumaas dahil sinuspinde ito ng DOLE simula Disyembre 1.
Ang mga labor inspection ay ginagawa sa ilalim ng ilang pangyayari gaya ng pamamahagi at pagbebenta ng mga paputok upang matiyak na ligtas ang mga ito sa mga posibleng aksidente.