Iginiit ng Pangulong Duterte na dahil sa law of supply and demand ang dahilan kung bakit nahuhuli ang Pilipinas sa suplay ng bakuna kontra COVID-19.
Inihalimbawa ng Pangulo sa suplay ng isda sa palengke ang bakuna na aniya’y kakaunti ang suplay subalit malaki ang demand.
Law of supply and demand ngayon, kagaya ng isda sa palengke ‘pag maraming isda mura ‘yan, kapag limitado ang isda mahal,”ani ng Pangulo.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan kagabi bilang tugon sa mga kritiko kaugnay sa pagiging huli ng bansa sa pagkuha ng suplay ng bakuna mula sa mga manufacturer.
Dagdag pa ng Pangulo na prayoridad na bigyan ng bakuna ng mga manufacturer ang mga mayayamang bansa at ang mga nasasakupan nito.
…kung sino ang may pera iyan ang unang mabigyan, kung sino ang gumawa ng bakuna natural, ang unang mabigyan ang tao nila…″, pahayag ng Pangulo.—sa panulat ni Agustina Nolasco