Naitala ng PAGASA ang mataas na heat index sa ilang lugar sa bansa kahapon, Mayo 12.
Sa inilabas na datos ng Weather Bureau, pumalo sa 52 °C ang nadaramang init o heat index sa Dagupan City sa pangasinan dakong alas-2 ng hapon.
Ito na ang itinuturing na pinakamataas na naitalang heat index ngayong taon.
Naitala naman ang heat index na 43 °C sa sangley point sa Cavite at 44 °C naman sa Cotabato City sa Maguindanao.
Habang sa iba pang lugar sa bansa ay naitala rin ang 41 hanggang 42 degrees celcius na heat index kahapon.
Paliwanag ng PAGASA, oras na maitala ang napakainit na heat index ay maaari itong magdulot ng heat cramps at exhaustion sa sinuman at posible pang mauwi sa heat stroke.
Kung kaya’t paalala ng Weather Bureau a dalasan ang pag-inom ng tubig at umiwas muna sa anumang physical activities tuwing tanghali at hapon na siyang napakainit ang panahon.