Kanya-kanyang tipid ang mga mamimili sa pamimili ng mga Christmas Decoration bunsod ng mataas na inflation na naitala kamakailan.
Pumalo na kasi sa 6.9 % ang inflation sa bansa, dahilan kung bakit nagsipag-taasan ang mga bilihin.
Ayon sa mga supplier ng mga dekorasyon, kung noo’y bultuhan bumili ang kanilang mga suki ngayon ay pakonti-konti nalang.
Anang ibang supplier, bahagya na rin nilang tinaasan ang presyo ngunit mas mababa pa rin kaysa sa mga mall.
Unti-unti na ring dinadagsa ng mga mamimili ang dapitan sa Quezon City dahil sa mga murang paninda nito.
Sa kabilang banda isinusulong naman ng isang mall sa Mandaluyong ang pagpapatupad ng Christmas market para itampok ang mga dekorasyon at pang-regalo na gawa sa lokal na materyales. - sa panunulat ni Hannah Oledan