Patay ang isang lider ng Abu Sayyaf Group o ASG sa naganap na engkwentro sa Indanan, Sulu.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, napatay ang notoryus na lider at kidnapper na si Alhabsi Misaya nang makasagupa ng mga MNLF o Moro National Liberation Front sa kagubatan sa pagitan ng Indanan at Parang.
Kinilala ng mga opisyal ng militar ang bangkay ni Misaya nang isuko ito ng mga MNLF sa kanila.
Si Misaya ang syang nasa likod ng pangingidnap ng maraming Malaysian at Indonesian hostages kung saan pinangunahan pa nga nito ang pamumugot sa ilang bihag.
Hawak din umano ni Misaya ang mga tripulanteng Vietnamese ngunit hindi nya kasama ang mga ito nang magkabakbakan.
By Rianne Briones