Agad na binawian ng buhay si Alvin Loque, alyas Joaquin Jacinto, ang tagapagsalita ng National Democratic Front Mindanao and komisyun Mindanao at nahaharap din sa patung-patong na kaso, makaraang manlaban at makipagpalitan ng putok sa mga otoridad habang inaaresto sa Surigao Del Sur.
Ayon sa Eastern Mindanao Command, ilang warrant of arrest na ang inisyu ng korte laban kay Loque noong nakalipas na Disyembre 10, 2020.
Pahayag ng EastMinCom, kasamang nasawi ng NPA leader ang kasamahan nito na patuloy pang kinilala ng mga otoridad.
Nabatid na isang mahalagang opisyal ng kommid si Loque dahil sa ibinibigay nitong liderato at direksyon sa kanilang grupo, at mayroon ring patong sa ulo na P6 milyong pabuya.
Sinabi ni EastMinCom, na ang kommid ang nasa likod ng pagsira ng buhay, kalayaan at pag-aari ng mga inosenteng indibidwal, kabilang na ang pagpapakalat ng baluktot na ideolohiya.