Patay sa shootout ang hinihinalang isa sa pinakamataas na lider ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front sa Naga City.
Kinilala ang napatay na si Joey Fajardo alyas “Budoy at Owen” na tumatayong Secretary ng Bicol Regional Committee.
Ayon kay Col. Paul Regencia, tagapagsalita ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, isisilbi lamang sana nila ang warrant of arrest laban kay Fajardo kaugnay sa kaso nitong murder nang bigla itong magpaulan ng bala ng baril na naging daan para gumanti ang kanilang hanay.
Narekober din ng militar sa suspek ang iba’t ibang uri ng baril, mga bala at isang granada.
Posibleng aniyang maging malaki ang epekto ng pagkakapatay sa mataas na lider ng CPP-NPA-NDF sa mga plano nitong pag-atake.
—-