Patay ang isang mataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at 3 miyembro nito sa pakikipag engkwentro sa militar sa lalawigan ng Maguindanao
Nakilala ang nasawi na si Esmael Tamarin alias Kumander Tamarin na residente ng Brgy. Butilin, Satu Salibo sa Maguindanao
Ayon kay First mechanized Brigade Commander Col. Felicisimo Budiongan 45 minutong nakasagupa ng mga sundalo ang grupo ni Kumander Tamarin dahilan nang paglikas ng mga residente ruon
Umatras ang mga rebelde nang pasabugan sila ng militar gamit ang 81 MM mortar at bazooka
By: Judith Larino