Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines o AFP na malaking kawalan sa operasyon ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army o CPP-NPA ang pagkamatay ng isa nilang mataas na opisyal.
Ito’y kasunod ng sumiklab na engkwentro sa pagitan ng Militar at ng mga Rebelde sa Brgy. Libudon, bayan ng Mabini, lalawigan ng Davao de Oro.
Kinilala ni Army’s 1001st Infantry Brigade Coimmander BGen. Jesus Durante III ang napatay na NPA leader na si Menandro Villanueva alias Bok.
Nagpapatupad ng focus military operations ang tropa ng mga sundalo sa lugar nang makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga armado sa kanilang lugar
Hindi na nag-aksaya ng panahon ang Militar para rumesponde at duon na nga sila sinalubong ng bakbakan hanggang sa matagpuan ang bangkay ni Villanueva.
Matagal nang tumatayong Kalihimm si alyas Bok ng Southern Mindanao Regional Committee at kasalukuyan ding Kalihim ng Komisyong Mindanao.
Commanding Officer din siya ng NPA National Operations Command at Miyembro ng Politburo ng Central Committee ng CPP