Nasamsam ng mga tropa ng militar tatlong matataas na kalibre ng armas matapos nilang makabakbakan ang mga elemento ng New People’s Army sa bayan ng claver sa Surigao del Norte.
Sa ulat ni 2Lt. Benjamin de Dios, Civil Military Operations Officer ng Army’s 30th Infantry Battalion sa ilalim ng 4th infantry division, sumiklab ang engkuwentro habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga sundalo sa bulubunduking bahagi ng Sitio Suoton sa Brgy. Cagdianao.
Tumagal ng 15 minuto ng bakbakan kung saan napatay ang Vice Platoon Commander na nakilala sa alyas na “asyong” na nagsisilbi ring political officer ng sangay ng Yyunit Pampropaganda Platun sa ilalim ng Northeastern Mindanao Regional Committee ng NPA.
Agad nagpulasan ang iba pang rebelde sa pangunguna ni Roel Neniel alyas Jacob matapos mabatid na napatay na sa bakbakan si Asyong.