Arestado ang isa sa mga itinuturing na mataas na opisyal ng NPA o New People’s Army sa Mindanao sa ikinasang operasyon ng militar at pulisya sa Butuan City.
Ayon kay Eastern Mindanao Command Spokesperson Major Ezra Balagtey, nadakip si Nerita Calamba de Castro, Finance Officer ng NPA-Mindanao, sa Emenville Subdivision, Barangay Ambago noong Huwebes.
Inaresto aniya si De Castro sa bisa ng isang warrant na ipinalabas ng Lianga Surigao del Sur Regional Trial Court dahil sa kasong murder.
Sinabi naman ni 402nd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Franco Nemesio Gacal, tumatayo si De Castro bilang finance head ng komisyon mindanao ng NPA matapos ang maaresto sa isa pang rebelde na si Leonida Guao noong Pebrero.
Bukod dito, nagsisilbi rin aniya bilang acting Secretary ng Regional White Area Committee ng NPA Northwestern Mindanao Regional Committee si De Castro.
Itinuturing naman ng militar na malaking dagok sa operasyon ng npa angh pagkakaaresto kay De Castro.
—-