Inaabangan na ang isang top-ranking official mula sa pamahalaan na umano’y tetestigo sa pagdinig ng House Committee on Justice hinggil sa paglaganap ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, handang tumestigo ang opisyal ng pamahalaan na ito laban kay Sen. Leila de Lima.
Handa umanong iditalye ng testigo ang paraan kung paano niya na-i-deliver ang humigit kumulang P5 milyong piso na drug money sa bahay ng neophyte senator sa Parañaque noong Justice Secretary pa si De Lima.
Tumanggi muna si Aguirre na pangalanan ang panibagong testigo laban kay De Lima sa darating na Martes kung kailan nakatakda ang pagsisimula ng nasabing imbestigasyon.
Nauna nang sinabi ng Kalihim na mayroong 10 hanggang 12 high-profile inmates ang nagsabi na handang tumestigo laban kay De Lima.
Samantala, tiyak na ang pagdalo sa congressional inquiry nina Herbert Colangco at Noel Martinez.
By Mariboy Ysibido