Patay ang mataas na opisyal ng gobyerno ng Somalia matapos na mapagkamalang Islamist militant.
Ayon kay Mayoral Spokesman Abdifatah Omar Halane, pinaputukan ng mga pulis ang sasakyan ni Public Works Minister Abbas Abdullahi Sheikh Siraji na isa ring mambabatas sa Mogadishu na sentro ng naturang bansa.
Tinukoy ng mga pulis na humarang ang sasakyan ng opisyal sa nagpapatrolyang security forces kaya inakalang miyembro ito ng militanteng grupo na nagbabalak na maglunsad ng pag-atake.
Madalas umanong naglulunsad ng pag-atake ang grupong Al Shabaab militants na may kaugnayan sa Al-Qaeda dahil sa pagnanais ng grupo na mapabagsak ang gobyerno at mapaalis ang African Union Peacekeeping Forces sa lugar.
By Rianne Briones
Mataas na opisyal sa Somalia patay matapos mapagkamalang militante was last modified: May 4th, 2017 by DWIZ 882