Aminado ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na maging sila ay nararamdaman narin ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar.
Nabatid na pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso at dolyar sa loob ng halos dalawang dekada.
Ayon sa mga OFWs, pinagkakasya nalang nila ang kanilang padala dahil mahal rin umano ang transaction fee sa mga remittances.
Sa pahayag naman ng mga tumatanggap ng padala mula sa kanilang pamilya sa ibang bansa, bukod sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, nagkukulang narin ang kanilang budget dahil sa dami ng kanilang gastusin ngayong pandemiya kung saan, hinahati nalang nila ang budget para sa maintenance, pambayad ng bahay, tubig at ilaw.
Batay sa pinakabagong Monetary Policy Report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), posible pang magpatuloy ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa hanggang sa susunod na taon.