Patay ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) at 4 nitong kasamahan sa engkwentro sa mga pulis at sundalo sa Barangay Ned, Bayan ng lake Sebu sa South Cotabato.
Ayon kay Lt. General Corleto Vinluan Jr., Commander ng AFP Western Mindanao Command (WesMinCom), isisilbi lang dapat ng mga otoridad ang warrant of arrest laban kay Romeo Libron na gumagamit din ng alyas na Frank at Melvin, dahil sa kasong murder.
Ngunit nagpaputok umano ng baril si Libron at mga kasamahan nito dahilan para gumanti rin ng putok ang mga otoridad.
Batay sa impormasyon ng militar si Libron ang commanding officer ng regional ordinance, regional operations command ng Southern Mindanao Regional Committee ng CCP-NPA.
Napag-alaman na may kaugnayan ito sa mga pagsabog sa mga bus at iba pang business establishment sa gitnang Mindanao dahil ayaw magbayad ng mga may-ari ng protection money.