Iginiit ng Malakanyang na hindi basehan ng epektibong serbisyo-publiko ang mataas na popularity ratings.
Ito ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, kasabay ng pagsasabing kaakibat ng tunay na pamumuno ang mga hakbang na tama subalit hindi popular.
Dagdag pa ni Secretary Bersamin, ang grado ng pamamahala ay hindi lang dapat nakabatay sa survey dahil anya mawawala sa focus ang mahahalagang sukatan gaya ng employment, na nagpapakita ng pag-usad ng bansa.
Sa kabila nito, sinabi ng Kalihim na iginagalang ng palasyo ang paniniwala na ang mga survey ay sukatan ng opinyon ng publiko. – Sa panulat ni John Riz Calata