Isinisi ng Department of Trade and Industry sa mga biyahero ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Paliwanag ni Trade Secretary Ramon Lopez, mataas pa rin ang pasa ng mga biyahero ng produkto sa mga nagtitinda sa palengke kaya’t ganoon na lamang kamahal ang nabibili ng mga mamimili.
Inihalimbawa ni Lopez ang presyo ng manok na 77 pesos lamang ang kada kilo galing sa farm gate kaya’t dapat aniya ay nasa 130 pesos lamang ang presyo ng mga palengke.
Gayunman, ang benta ng mga biyahero sa mga tindero’t tindera sa palengke ay nasa 140 pesos na kaya’t aabot na sa 150 pesos ang benta ng mga vendor sa palengke.
Sa ginawang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga biyahero, nangako naman aniya ang mga ito na ibababa nila presyo sa mga ibinabagsak na produkto sa mga pamilihan.