Isiniwalat ng isang food security advocacy group na nananatiling mataas ang presyo ng galunggong sa kabila nang pag-angkat ng gobyerno para matugunan ang isyu sa suplay.
Ayon sa grupong Tugon Kabuhayan, sa halip na makatulong ang pag-aangkat ng 60,000 metriko tonelada ng galunggong, nakagulo pa ito at nakaapekto sa aquaculture sector.
Giit ng ating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) chief Asis Perez, nakapag-adjust na ang sektor sa usapin ng produksyon sa tuwing magpapatupad ng ‘closed fishing season’ sa galunggong.
Diin pa ni Perez, hindi isyu sa kanila ang importasyon, kundi ang hindi pa rin pagbaba ng halaga ng galunggong sa mga pamilihan at ito ay nasa dalawang daan o higit pa kada kilo (P200-P240) na siyang presyo nito bago pa man maipasok sa bansa ang mga imported na isda.
Nabatid na nakakadagdag pa umano sa problema sa suplay ang pagbabawal ng mga Tsino sa mga mangingisdang Pilipino na makapanghuli sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Samantala, batay naman sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa kabuuan ng 2020 umabot na sa higit 22 million kilos ng galunggong ang inangkat ng Pilipinas mula China.