Iimbestigahan na rin ng Department of Agriculture(DA) ang kasalukuyang mataas na presyo ng galunggong.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, partikular na kanilang sisiyasatin ang tila pagsabay ng pagtaas sa presyo ng galunggong sa pagtaas sa presyo ng karneng baboy.
Sinabi ni Reyes, hindi rin nila alam kung bakit tumaas ang presyo ng galunggong lalo na sa mga super market, gayong sa kanyang huling pagkakaalam ay nasaP180 kada kilo lamang dapat ang galunggong.
Sa ilang mga pamilihan at supermarket sa Metro Manila, umaabot sa mahigit P300 kada kilo ang presyo ng galunggong.