Iimbestigahan na ng Kamara ang mataas na singil sa kuryente sa bansa.
Ayon kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda, hihimayin ng Murang Kuryente Super Committee ang nasabing isyu sa pagbubukas ng sesyon matapos ang Christmas break.
Sinabi rin ni Cong. Salceda na mismong si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang nagpatawag ng imbestigasyon upang malaman ang dahilan kung bakit mataas ang singil sa kuryente sa bansa.
Mababatid na napag-alaman ng Energy Regulatory Commission noong 2016 hanggang 2020 ay gumastos ng 206 billion pesos na unauthorized funds ang energy sector na ginamit para sa public relations, advertising, at iba pa. – Sa panulat ni John Riz Calata