Nadiskubre ng Department of Agriculture at DTI o Department of Trade and Industry ang mataas na presyo ng mga ibinibentang manok sa Kamuning Market sa Quezon City.
Ayon sa mga otoridad, 120 pesos lamang ang dapat na presyo ng kada isang kilo ng manok gayung 160 pesos itong ibinebenta sa nasabing palengke.
Tiniyak ng DA na iimbestigahan nila at pagpapaliwanagin ang mga vendor na nagbebenta ng mataas na presyo ng manok.
Kasabay nito, ipinabatid ng DA at DTI ang bumabang presyo ng ilang gulay tulad ng repolyo na mula sa dating 350 pesos ay 130 pesos na lamang, carrot na 180 pesos ngayon mula sa dating 250 pesos, baguio beans- 160 pesos mula sa dating 200 pesos, kalamansi – 60 pesos mula sa dating 100 pesos, sibuyas – dating 120 pesos ngayon ay 90 pesos na lang, bawang – 80 pesos mula sa dating 100 pesos at kamais na dating 120 pesos ay 70 pesos na lamang ngayon.