Sinita ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mataas na presyo ng mga paninda sa Muñoz market.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, dapat ay nasa 135 hanggang 140 lamang ang presyo ng manok at hindi 150 pesos na tulad ng nakita niya sa Muñoz market.
Sinabi ni Castelo na iimbestigahan rin nila kung bakit umabot sa 140 hanggang 150 pesos ang kilo ng galunggong sa Muñoz market gayung dapat ay nasa 100 hanggang 110 pesos lang kada kilo ang presyo nito.
Maliban sa mga presyo sa palengke, i-ninspeksyon rin ng DTI ang presyo ng mga naka-boteng tubig at disposable utensils sa harap ng kakulangan ng supply ng tubig ng Manila Water.
—-