Ang pagtaas ng presyo ng tinapay ay dahil sa mataas na presyo ng sangkap at hindi dahil sa kakulangan sa harina.
Ito ang nilinaw ni Philippine Association of Flour Millers Inc. (PAFMIL) Executive Director Ricardo Pinca na walang shortage sa suplay ng harina.
Binigyang diin din niya na ang mga panaderyay magiging dehado kung hindi nila maisasaayos ang mga presyo ng tinapay ayon sa tumataas na halaga ng produksyon.
Nilinaw din ni Pinca na kahit na patuloy na may problema sa wheat exports sa Russia at Ukraine ay hindi ito direktang makakaapekto sa Pilipinas dahil tatlong pangunahing pinagkukunan ng wheat na kinabibilangan ng United States, Canada at Australia.