Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng mataas na rating na ibinigay ng mga Pilipino sa administrasyong Duterte partikular na sa laban nito kontra illegal na droga.
Batay sa resulta ng Pulse Asia survey mula September 24-30, lumalabas na 88 percent o halos siyam sa bawat sampung Pilipino ang patuloy na sumusuporta sa giyera kontra droga ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinapakita lamang nito na pinapahalagahan ng mamamayan ang pagsisikap ng administrasyon na labanan ang kriminalidad sa bansa at tiyaking ligtas ang bawat Pilipino.
Samantala isinisi naman ni Abella sa media kung bakit lumabas na 73% o pito sa bawat sampung Pilipino ang naniniwala na may nangyayaring extrajudicial killings sa mga operasyon kontra illegal na droga.
Aniya, ganito ang lumabas sa survey dahil sa pagtutok ng media sa mga nangyaring patayan sa Caloocan kasabay ng panahon kung kailan ginawa ang survey.
—-