Ikinalugod ng Malacañang ang nakuhang mas mataas na net satisfaction rating ng tatlong top officials ng pamahalaan sa huling bahagi ng 2019.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nangangahulugan itong mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang nag-improve ang performance ng mga nabanggit na opisyal ng pamahalaan.
Sinabi ni Panelo, makabubuti sa naturang tatlong mataas na opisyal ng pamahalaan ang naging resulta ng SWS survey para magsilbing inspirasyon para mas pagbutihin pa ng mga ito ang pagganap sa kanilang tungkulin.