Kinuwestiyon ni Senator Imee Marcos ang pagtataas ng singil sa kuryente ng Meralco sa gitna umiiral na lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ito’y matapos magreklamo ang grupo ng consumer makaraang matanggap ang bill sa kuryente na mataas umano ng tatlong beses sa regular na binabayaran nila kada buwan.
Ayon kay Marcos, tila walang karapatan magtaas ng singil ang Meralco dahil sa pagbagsak umano ng demand ng 30% nitong mga nakaraang buwan.
Giit pa ng Senadora, maaari sigurong bumawi ang Meralco kapag nakabangon na rin ang ekonomiya ng bansa ngunit hindi ngayong panahon na ito kung kailan marami ang apektado ng krisis dahil sa COVID-19.