Itinanggi ng Transport Network Vehicle Service na Grab ang alegasyon na tumaas ang kanilang singil sa pasahe matapos i-acquire ang operasyon ng dating karibal na Uber.
Ayon kay Leo Gonzales, public affairs head ng Grab Philippines, noon pa man ay bahagya ng mataas ang kanilang pasahe kumpara sa Uber.
Naniningil anya ang uber 5 Pesos at 70 centavos per kilometer ang Uber habang naglalaro sa onse hanggang 14 Pesos ang kada kilometro sa grab.
Bago noong Disyembre ay nagpataw ang Uber ng surge pricing na apat hanggang limang beses na mataas sa kanilang base pero ginawa lamang dalawang beses na mataas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang surge price sa normal fare.
Sa gitna naman ng mga reklamo sa pagpapa-book sa Uber, nilinaw ni Gonzales na sadyang nabawasan ang bilang ng mga driver ng naturang T.N.V.S. dahil sa acquisition ng Grab.