Isinisi ng Department of Trade and Industry sa masamang panahon ang mga paglabag sa suggested retail price para sa mga agricultural product nitong mga nakalipas na araw.
Ito, ayon kay Trade and Industry secretary Ramon Lopez, ay matapos silang makatanggap ng mga ulat na tumaas ang presyo ng ilang produktong nakasaad sa SRP ng Department of Agriculture.
Halimbawa na lamang anya ang pulang sibuyas na sumampa sa 120 pesos kada kilo mula sa dating 95 pesos kada kilo.
Batay sa monitoring ng DTI, nakaapekto sa pagbiyahe ng mga agri-products ang malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dulot ng habagat kaya’t tumaas ang presyo ng mga ito.