Nasungkit ni Pangulong Benigno Aquino III ang pinakamataas na approval rating sa hanay ng mga top officials sa inilabas na fourth quarter survey ng Pulse Asia noong 2015.
Base sa survey na ginawa na noong Disyembre 4 hanggang 11, nakakuha ng 55 porsiyento sa approval rating ang pangulo na sinundan nina Vice President Jejomar Binay [52 percent], Senate President Franklin Drilon [51 percent], at House Speaker Sonny Belmonte [29 percent].
Isang porsiyento lamang ang ini-angat ng rating ng Pangulong Aquino habang 9 na porsiyento naman ang kay Binay.
Gayunman, ayon sa Malacañang, patunay lamang ito ng patuloy na tiwala at suporta ng mamamayan sa Pangulong Aquino at sa kanyang administrasyon.
By Jelbert Perdez