Napanatili ng Pangulong Rodrigo Duterte ang malaking tiwala sa kanya ng sambayanan.
Batay sa survey ng Pulse Asia noong December 10 hanggang 17, 82 porsyento ang nagpahayag ng malaking tiwala nila sa Pangulo kumpara sa 6 porsyentong wala o konti ang tiwala.
Aprubado rin sa may 80 porsyento ng respondents ang pagganap ng Pangulo sa kanyang tungkulin o yung tinatawag na performance rating.
Halos hindi rin nagbago ang trust at approval ratings ni Vice President Leni Robredo mula Setyembre hanggang Disyembre na nakakuha ng 58 percent trust at 59 percent approval rating.
CJ Sereno
Samantala, dumami ang mga Pilipinong nawalan ng tiwala kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Batay sa survey ng isinagawa ng Pulse Asia mula December 10 hanggang 17, 27 percent lamang ng mga Pinoy ang may tiwala sa kanya, mas mababa ng apat na porsyento sa kanyang 31 percent trust rating noong setyembre ng nakaraang taon.
Ayon sa Pulse Asia, 33 porsyento ng respondents ang nagsabing, wala silang tiwala kay Sereno o sampung porsyentong mas mataas sa 23 percent trust rating niya noong Setyembre.
Kapuna-puna rin na nabawasan ng anim na porsyento ang mga undecided kung magtitiwala o hindi kay Sereno.
Mula sa 44 percent undecided noong Setyembre, naitala ang 38 percent na undecided sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
—-