Ikinatuwa ng Malacanang ang mataas na trust ratings na nakuha ng mga ahensiya ng gobyerno.
Batay sa naging resulta ng publicus survey, sampung ahensya na direktang nagseserbisyo sa publiko ang nakasungkit ng mataas na trust ratings sa ikatlong quarter ngayong taon.
Ayon kay Office of Press Secretary officer-in-charge Usec. Cheloy Garafil, binubuo ito ng Armed Forces of Philippines (AFP) na nakakuha ng 57% o pinakamataas na trust rating; sumunod ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na may 56%; Department of Education (DepEd) na may 55%; Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may 53%; Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may 49%; Commission on Higher Education (Ched) na may 48%.
Sinundan naman ng Department of Science and Technology (DOST) na may 47%; Department of Health (DOH) na may 45%; tig 44% naman ang nakuha ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni Garafil, na patunay lamang ito na naipapakita at naipaparamdam ng mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng administrasyong Marcos ang malasakit sa mga ordinaryong pilipino sa bansa.