Naniniwala si Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion na mahalaga ang papel ng patuloy na vaccination sa pagbaba ng alert level 1 upang magpatuloy ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Concepcion, importante ringmaturukan ng booster ang mga taga-Metro Manila upang maibaba na sa level 1 ang COVID-19 alert status sa National Capital Region sa Marso.
Para naman sa mga lugar na mayroong mataas na infection rate at mababang vaccination level, dapat anya itong maisaayos bago magde-escalate sa alert level 1.
Samantala, umapela si Concepcion sa lahat ng mamamayan na magpabakuna na o magpaturok ng booster patungo sa tinatawag na endemic mula sa pandemic state at tuluyang makapagbukas ang ekonomiya ng bansa.